Thursday, February 3, 2011
Epiko 70: "Maitim Ba Ang Dila Mo?"
Maitim ba ang dila mo?
Para sa ‘yong kaalaman, nag kasabihan na kapag ang taong nagsalita at nagkatotoo ay may maitim na dila. Hindi ko alam pero may kakilala akong may ganitong taglay na katangian.
Isa siyang matandang babae na palaging nakikita sa kalsada sa Magallanes, Cavite. Kahit tirik na tirik ang araw, nagtitiyaga siyang maglakad. Kung saan man siya pupunta y walang nakakaalam. Malimit ko siyang makasalubong na kung saan ay inaabutan ko siya ng pera at sinasabing magsakay na siya papunta sa kanyang pupuntahan.
Ngunit may isang pangyayari sa aming dalawa ang nagpatunay na ang matandang iyon ay may maitim na dila.
Isang araw, habang naglalakad ako ay biglang umulan ng malakas. Nang sumilong ako sa waiting shed ay nakita ko siya na basang-basa at halos giniginaw. Ibinigay ko ang aking jacket para isuot niya.
“Nagkita tayong muli bata…” wika niya ng nauutal niyang boses.
“Lola, bakit kayo nagpakabasa? Bakit ayaw niyong magsakay?” tanong ko sa kanya habang nagsisindi ng sigarilyo.
Hindi na niya ako sinagot. Pero nagsimula siyang titigan ako. Medyo nag-iba ang aking pakiramdam. Para akong nahihilo na inaantok o at bumubilis ang tibok ng puso ko.
“Huwag kang mag-alala iho. Ang kapalit ng paghihirap mo ngayon ay kaligayahan. Dadating ang araw na magbabayad ang taong ‘yon sa ginawa niya sa ‘yo..” wika niya sa akin habang bumabalik ako sa aking sariling wisyo.
“A-ano po ang mangyayari sa kanya?” tanong ko sa kanya.
“May nakikita ako… kamatayan. Isang kamatayan na may kasamang matagalang pighati ang kapalit ng ginawa niya sa ‘yo at simula sa mga sandaling ito, magsisimulana ang kanyang kalbaryo.” sagot niya sa akin.
Noong una ay hindi ko ito pinansin hanggang sa nagyari lahat ang kanyang sinabi sa akin. Ngunit nang lumipas ang sampung buwan ay nagulat ako sa balita na namatayan ng anak ang taong tinutukoy ng matanda. Ngayon, halos masiraan na ito ng ulo sa nangyari.
Nang magkita uli kami ng matanda, nakakapagtakang natatandaan pa niya ako at ang mga sinabi niya sa akin. Nang naikwento ko sa kanya ang nagyari, sinabi niya na mag-ingat daw ako sa mga binibitawan kong salita dahil sabi niya, maitim daw ang dila ko.
Hindi ako naniniwala sa kulam, sumpa at kung anumang mga pamahiin. Ngunit masasabi ko na makapangyarihan talaga ang mga salitang binibitawan natin sa kapwa dahil ito ang katangian na wala sa ibang nilalang dito sa mundo. Dapat lang natin itong gamitin sa tamang panahon, luagar at tao.
Ang mga salita ay may kapangyarihan kaya nararapat lang na gamitin ito sa tamang lugar, oras at tao.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
its true its called KARMA
ReplyDeletesame ako meron din po itim dila ko pg sobrang galit ako sa tao na my nasasabi akong mga sana sa kanila nagkaka totoo po un..
ReplyDeleteAno pong sumpa dun para di magka totoo ang sinabi mag kalaban kasi kami ngayon at dun lang lang po nag aano kasi may ano nga sya sa dila kaya inaaway nya kamu
ReplyDelete