Friday, June 25, 2010

Epiko 32: "Isang Sulyap Sa Bituin Ng Tagumpay"



Mahirap gumawa ng isang stageplay. Ang totoo niyan hindi ko alam kung paano ko ito ginawa. Gusto ko lang ipakita sa inyo ang isang sulyap sa aking obra na pinamagatang "BOARDERS" na gagamitin ng CvSU Student Artiste' Society (STARS) sa kanilang major production (hindi ko alam kung kailan). Inilalarawan nito ang buhay sa loob ng boardinghouse na kung saan halos lahat ng kolehiyong estudyante ay nakaranas. Ang inyong mababasa ay hango sa aking hindi makakalimutang karanasan sa boardinghouse sa Brgy. Kaytapos sa Indang.

Ikaanim na Tagpo

Alas kwatro ng madaling araw, Madilim ang buong entablado. Isang tunog na mula sa pinto na dahan-dahang ngabubukas. Papasok sina Jean at Carl na nagbubungisngisan.

Jean: Dalian mo Carl. Huwag kang gagawa ng ingay. Tulog pa silang lahat.

Carl: Okay lang ba kung ditto na lang sa sofa? Hindi na ako makapgpigil eh…

Jean: Ano ka ba… teka lang… masyadong madilim.

Carl: Saan ba ang daan?

Jean: Teka lang… (Gagawa ng halinghing. Matagal.)

Carl: Iba ka talaga… (Uungol.)

Jean: Ikaw din… (Matatabig ang isang tasa na gagawa ng malakas na ingay.) Naku lagot na! (Lalabas sa kwarto si Paolo na naka-mudpack at curlers. Nakasuot ng kamison at bubuhayin ang ilaw. Naka-posisyon sina Carl at Jean na magsisimulang magtalik. Wala nang damit si Carl na pantaas at si Jean at halos mahuhubaran na.)

Paolo: (Titili ng malakas.) Mga baboy! Dito pa kayo gagawa ng kalokohan.(Magugulat kay Carl) At ikaw ikaw lalaki ka, anong ginagawa mo at kasama mo ang malanding ‘yan?

Carl: (Nag-aayos ng pantalon) P-Paolo? Dito ka nagbo-board?

Jean: (Magtataka.) Magkakilala kayo?

Paolo: Oo bruha! Jowa ko ‘yan at limang buwan na kami!

Jean: Ano? (Titingin kay Carl ng masama.)

Carl: T-teka… magpapaliwanag ako!

Paolo: Hindi ko kailangan ang paliwanag mong manloloko ka!

Carl: (Lalapit kay Paolo.) Magpapa-umaga lang ako dito.

Jean: (Tatayo.) Teka… akala ko ba eh may gagawin tayo.

Paolo: (Lalapit kay Jean.) At ano ang gagawin niyo dito? Magpapalipas ng sarap?

Carl: Sandali nga! (Pupunta sa gitna nina Jean at Paolo) Huwag nga kayong mag-away!

Jean: (Sasampalin si Carl sa kanang pisngi.) Sinungaling ka! Pumapatol ka pala sa bakla! Ang masama pa nito, kasama ko pa sa kwarto! Hudas ka!

Paolo: (Sasampalin si Carl sa kaliwang pisngi.) Bulaan ka! Pagkatapos mo akong gatasan at parausan ay ito ang isusukli mo sa akin?

Carl: Fine! Mga mabababang uri! (Lalabas siya ng bahay. Lalabas sa kwarto si Joules at si Selena sa kwarto ni Anthony.)

Joules: Ang aga naman niyan! Anong problema at para kayong nasa palengke at nagtatalo sa suki? (Mag-iirapan ang dalawang nag-away. Papasok sila sa kanilang mga kwarto. Maiiwan sina Joules at Selena sa salas. Kukuha siya ng walis tambo at lilinisin ang nabasag na tasa.)

Selena: Ano kaya ang nangyari? Bakit may basag na tasa?

Joules: Hindi ko alam. Normal na ‘to sa amin. Mukhang seryoso ang away ng dalawang ‘yun. Kailangang malinis ang bubog kasi baka makadisgrasya.

Selena: Malaki pala ang malasakit mo sa kanila. Kaya pala kuya ang tawag nila sa ‘yo.

Joules: Okay lang ‘yun. (Dadakutin ang kalat.) Matulog ka pa. Baka may pasok ka pa mamaya.

Selena: Wala kaming pasok ngayon at hindi na ako inaantok gawa ng ingay. Hirap na akong gumawa ng antok. (Ngingiti.)

Joules: Ganun ba? Teka, gusto mo bang mag-almusal?

Selena: Naku huwag na. Kape na lang eh okay na sa akin. Meron ka ba?

Joules: Nasa kusina. May asukal na din dun at creamer.

Selena: Sige. Gagawa ako. (Pupunta sa kusina.)

Joules. (Pipigilan si Selena at hahawakan ang kamay.) Naku ako na lang. Nakakahiya sa ‘yo. Bisita ka namin.

Selena: (Mapapahinto. Magtitigan ang dalawa. Matagal.) Okay lang sa ‘kin ‘to. Just wait here okay? (Bibitawan ni Joules si Selena at hahayaang pumunta sa kusina.)

Joules: (Titingnan ang kanyang kamay at aamuyin.) Ang lambot ng kamay niya. Ang bango pa. Bakit parang iba ang nararamdaman ko? (Uupo sa sofa.) Shit! Huwag naman sana… Hindi ito pwedeng mangyari. Joules, magpigil ka sa sarili mo… Huwag mong hayaang mahulog ka sa babaeng ‘yan. Madami siyang binasted. Malamang hindi siya magkakaroon ng interes sa akin. (Dadating si Selena na may dalang dalawang tasa ng kape. Ipinatong niya ito sa lamesita.)

Selena: Heto na ang kape. (Kukuha si Joules ng isang tasa. Aamuyin at iinumin dahan-dahan.)

Joules: (Magliliwanag ang mukha.) Ang sarap mong magtimpla ng kape. Panalo!

Selena: (Kukuha ng kape at tatbi kay Joules.) Tsamba lang ito. May klase ka ba mamaya?

Joules: Mamaya pang alas otso. (Mapapansin ni Selena na may papel sa may sofa.
Binasa niya ang nakasulat ng tahimik at matagal. Mapapakagat-labi si Joules)

Selena: Ikaw ba ang gumawa nito?

Joules: Ah… Eh… Oo. (Sabay kamot sa ulo.)

Selena: Ang ganda. Pwedeng akin na lang?

Joules: H-ha?

Selena: Ang totoo kasi niyan, bilib ako sa mga taong magaling magsulat. Kasi mahilig akong magbasa. Gusto ko ‘yung binabasa ko eh may epekto sa akin. Tulad nito… Simple lang ang ginamit mong salita pero ang lalim ng kahulugan. Baka gifted ka. Matagal ka na bang nagsusulat?

Joules: Hindi. Ngayon-ngayon lang. Sinubukan ko lang.

Selena: Alam mo, dapat hasain mo ang talent mo sa pagsusulat. May mararating ka dahil ang ganda ng ginawa mo. Hindi ako writer pero I appreciate this one kasi maganda eh. Sino ba ang muse mo?

Joules: M-muse?

Selena: Oo. Sabi kasi sa Greek mythology, ang mga artist daw ay may mga muse. Sila ‘yung pinagkukunan nila ng inspirasyon kapag gumagawa sila ng isang tula, sculture o kahit anong anyo ng art. Sino ba siya? Girlfriend mo?
Joules: H-ha? Hindi siya.

Selena: (Mangingiti.) Well, I hope na napaka-swerte ng muse mo. Kasi sa tula mo eh hindi mo alam kung ano ang gusto mong sabihin sa kanya.

Joules: Sa totoo lang, ‘yun ang nararamdaman ko habang isinusulat ko ‘yan. Para kasing wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko. Idinaan ko na lang sa pagsusulat para maging maluwag ang pakiramdam ko.

Selena: Masterbatory writer ka pala.

Joules: Ano? (Tatayo.) Hindi ako nagma-masterbate kapag nagsusulat ako!

Selena: (Tatawa ng malakas) Hindi ‘yun ang ibig kong sabihin. Nagsusulat ka pala para iolabas ang nararamdaman mo at pagkatapos, balewala na ang lahat. ‘Yun ang tinatawag kong masterbatory writing.

Joules: (Tila napapahiya at hindi makatingin sa kaharap.) Ang pangit kasi ng term na ginamit mo. Alam mo naman na hindi ako magaling pagdating dyan. Wala kasi niyan sa mga inaaral ko. Mukhang may natutunan ako ngayong araw na ‘to sa ‘yo.

Selena: Hindi mo pa din sinasagot ang isa kong tanong. May girlfriend ka na ba?

Joules: Bakit? Kapag sinabi ko bang wala eh maniniwala ka?

Selena: Ewan ko. Bakit? Liligawan mo ba din ako?

Joules: (Matatawa.) Ikaw talaga. Pero may mga naririnig ako sa ‘yo na kilala ka na madami kang binasted na lalaki sa campus.

Selena: Hindi naman sa ayokong magka-boyfriend. Gusto ko kasi munang makatapos ng pag-aaral at maabot ko ang pangarap ko. Bukod pa dun, takot akong masaktan at magmahal.

Joules: Bakit naman? Paano mo nasabi ang isang bagay na hindi mo pa nararanasan? Nakaktawa ka naman.

Selena: (Mapapataas ng kilay.) Anong nakakatawa dun?

Joules: You base your ideas from others. Ngunit hindi dapat palaging ganun. Dapat ikaw din ay matuto sa sarili mong karanasan. Doon mo masasabi ang isang ideya o opinion na mula sa puso mo. Ang takot na nararamdaman mo eh pansamantala lang. pero dapat malabanan mo ito.

Selena: I see Joules. You have a point. I never expected na sasabihin mo ang mga salitang ‘yan. I guess I learned something from you.

Joules: Ganun talaga. Sa bawat isa ay may natututnan tayo na bago. (Lalabas si Reagan, Reilan at Sixto sa kanilang kwarto. Makikita nila na nag-uusap ang dalawa. Pupunta sila sa isang sulok.)

Sixto: Totoo ba ang nakikita ko? Ang bangis ni Joules!

Reagan: This is major! (Babahin si Reilan ng malakas. Makikita sila nina Joules at Selena.)

Joules: (Titingin sa tatlo.) Ah eh… (Haharap kay Selena) Papasok muna ako sa kwarto. Maiwan muna kita dito.

Selena: Ako din. Papasok muna ako sa kwarto. Mamaya na lang. (Papasok si Selena sa kwarto. Si Joules naman ay pipigilan ng tatlo.

Reagan: Ano pareng Joules? Maiiyak ka na ba dahil basted ka?

Joules: Iyon ang akala niyo… Wala pang babaeng tumanggi kay Joules San Felipe Jr.

Sixto: Eh di ibig sabihin, may pag-asa? (Tatango si Joules) Puta! I-rate mo nga ang pag-asa mo kay Selena. One to ten… ten is the highest.

Joules: Eleven pare! (Sabay apir ni Sixto at Reagan sa kanya. Papasok siya sa kwarto. Maiiwan ang tatlo sa may sala.)

Reagan: Bilib ako kay joules! Ang agang dumiskarte! Ano kaya ang sikreto nun?

Sixto: Naalala mo ba nung nagkwento siya sa tungkol sa mga gayuma? Kung may papel ako nung araw na ‘yun eh baka nailista ko lahat. Wala na akong matandaan eh.
Reilan: Hindi ba may girlfriend na si kuya Joules?

Sixto: Eh ano naman? Okay lang ‘yun! Hindi pa naman asawa eh. Panoorin mo siyang dumiskarte. Matutuo ka kung paano magka-chicks! Idol nga naming siya eh! Di ba Reagan? (Tatango si Reagan)

Reagan: Pareng Sixto, bili tayo ng pandesal sa tindahan. Ikaw Reilan, sasama ka?

Reilan: Sige.

Sixto: Sasama ka?

Reilan: Oo.

Sixto: Siya magsapatos ka kung sasama ka!

Reilan: Ano ako bata? (Aalis ang tatlo papunta sa labas. Unti-unting mamatay ang ilaw ng entablado.)

Thursday, June 17, 2010

Epiko 31 - "Paano Gagamitin Ang Titi Sa Blackboard?"



Sex...

Sa salitang Filipino... alam mo na 'yun!

Sa tuwing pag-uusapan ang ganitong paksa, lahat ay interesado. Ang lahat ay may kanya-kanyang pananaw, karanasan at opinyon ukol dito. Masarap talakayin ito tulad ng kung paano ito ginagawa ng dalawang tao sa isang lugar. Lahat ng ito ay bahagi ng ating pagtungtong sa pagiging isang ganap na tao. Naalala ko ang isang karanasan sa isang babae na minahal ko at ginawan ko ng ganitong bagay. Ang problema, iniwan din niya ako at humanap ng iba. Noong una, akala ko ay sapat na ang kaalaman ko sa sex dahil sa panonood ko ng mga pelikula tulad ng American Pie series, Deuce Bigalow at marami pang iba na may temang sex comedy. Pero mali ako. Higit pa ito sa inaasahan ko.

Nang isinulong ng DepEd ang sex education sa mga piling paaralan, marami ang umalma at nagtaas ng kilay (lalo na ang mga dati kong teacher sa elementary na dalaga)dahil hindi pa ito ang tamang panahon para may matutunan sila pagdating sa ganitong bagay. Ang miskonsepsyon nito ay lalong nagpatibay sa mga ibang guro na dapat itong isulong sa buong bansa pagkatapos ng isang taon dahil mahalaga ito sa mga estudyante na nagbibinata at nagdadalaga na maging "aware" sa kanilang sekswalidad - mapa-katawan o emosyonal.

Pero talaga bang dapat sa paaralan ito ituro?

Sa ibang bansa, ang mga pelikulang may temang sex comedy ay isang hakbang para imulat ang kabataan sa mga pangyayari at sitwasyon na may kinalaman sa sex. Nandyan ang tatay ni Jim Levenstein ng American Pie series na nagpapangaral sa kanyang anak tugkol sa sex at pag-ibig. Si Deuce Bigalow naman sa kabilang banda ay nagsasabi na ang sex ay mahalaga at hindi dapat abusuhin at gawing "man-whore" ang sarili. Ang Eurotrip barkada na nilibot ang buong Europe ay natutunan ang isang mahalagang bagay sa kanilang paglalakbay - ang sex ay isang komplikadong bagay sa mga kabataan na dapat nilang malaman mismo sa kanilang sarili. Sa Pilipinas, bihira lang ang ganitong pelikula dahil sa mga konserbatibong pananaw ng mga ilan nating kababayan. buti n lang may FHM, UNO at MAXIM na babasahin na pwedeng magbigay sa atin ng impormasyon tungkol sa sex.

Pero hindi ito ang tinutumbok ng sex education na ini-integrate sa ating bansa.

Siguro ay mas magandang tawagin itong "gender education" dahil ipinamamalas nito ang pisikal at mala-agham na paliwanag tungkol sa ating sekswalidad. Ang konotasyon kasi ng salitang sex sa atin ay medyo hindi maganda ang kahulugan. Hindi naman ituturo sa paaralan kung paano makipagtalik at ano ang mga posisyon na dapat matutunan para mapasaya ang bawat isa na katalik natin. Ito ay nagtuturo ng responsable at maingat na pag-aalaga sa ating sekswalidad upang makaiwas sa mga sakit at emosyonal na problema dala ng sex.

Sabihin na natin na hindi mawawala ang sex sa talakayan sa isang lesson at ito ay sensitibo p[ara sa mga estudyante. Ang mga edad nila (partikular sa high school) ay nagsisimula na silang maging mapusok at mapag-eksperimento upang mahanap ang kasagutan tungkol sa sex. Para sa mga guro, marapat na maging maingat sila sa mga isyu na kanilang pag-uusapan sa loob ng klase. Responsibilidad din nila kung paano ito ipapaliwanag sa mga bata na walang halong malisya o kabastusan. Mahirap iotng gawin pero dapat nila itong isaalang-alan sapagkat nakasalalay dito ang kinabukasan ng bawat bata. Isang maling pagkakamali ay maaring humantong sa hindi inaasahang pangyayari na pagdurusahan nila habambuhay.

Sa mga magulang, ang sensitibong talakayan tungkol sa sex ay dapat isaalang-alang. Mahirap sabihin na ang sex ay para sa mag-asawa lang (dahil sa mga panahon na ito ay marami na ang mga batang nai-involve dito.)pero ang tamang impormasyon at pangaral ay mahalaga din dahil responsibilidad ng mga magulang ang pangaralan sila tungkol dito.

Bilang estudyante o karaniwang bata, hindi ito isang biro. Ag sex ay mahalaga sa bawat isa. Pero hindi lang ito hanap ng katawan lang... Ito ay mahalaga upang mapatibay ang isang relasyon para sa kinabukasan. Ang mga mahahalagang paalala mula sa mga guro, karanasan ng iba, pelikula at babasahin na may ganitong tema ay maging daan upang maging responsable sa ganitong isyu. Kaya tinuturuan ang mga bata ng ganitong aral ay para din sakanilang kabutihan at kinabukasan.

Napaka-swerte ng henerasyon ngayon pagdating sa sex education. Dati, natututo ang mga kabataan sa "trial and error" pagdating sa sex kaya nagkakaroon ng sakit o di inaasahang pagbubuntis. Ang mga simbahan at institusyon na tutol noon dito ay nagtutulong-tulong para mapatupad ang panukalang ito sa susunod na taon sa lahat ng eskwelahan.

Ang sex at moralidad ay parang taong nakaharap sa salamin... pareho lang sila... at 'yun ang totoong aral na makukuha natin sa sex education. Maging bukas tayo sa isyung ito dahil hindi ito para sa atin kundi sa mga susunod na henerasyon na tuturuan natin.

Friday, June 4, 2010

Epiko 30: "Gusto Mo Bang Makatikim Ng Rider Kick?"



Naniniwala ka ba sa hula?

Ako kasi hindi...

Pero biglang nagbago ang pananaw ko sa panghuhula.

Isang payo mula sa aking kuya at nanay na pumunta ako sa isang albularyo at manghuhula na nakatira hindi kalayuan sa amin. Mula nang malaman nila na nakapagpapagaling at nagkakatotoo ang mga hula niya, nagkaroon ako ng interes na subukan niyang basahin ang kapalaran ko.

Sa mga kilalang manghuhula, ibang klase ang isang ito. Gumagamit siya ng ordinaryong baraha na ginagamit sa "Pusoy" at "Tong-its." Akala ko nga eh Tarot Card reader siya. Dapat kailangang Biyernes ka magpapahula at bagong bili ang baraha mo at siguraduhing wala pang nakakahawak at nakakagamit nito.

Nang pumunta ako sa bahay niya, napakadaming santo na naka-display sa kanyang altar. Tinanong niya kung ano ang gusto kong malaman na kapalaran ko sa hinaharap. Sinabi ko ang tatlong gusto kong malaman - career, love at kamatayan.

Nagsimula na kami. Habang binabalasa niya ang mga baraha, napalunok ako sa takot at kaba. Medyo excited ako pero iba ang naramdaman ko... at hindi ko pa siya nararamdaman sa buong buhay ko. Habang nagdadasal siya ng Latin, nakaramdam ako ng lamig sa paligid ko. Nang tingnan ko ang orasan nila ay ala-una pa lang ng tanghali.

Nang i-cut ko ang baraha sa tatlo, itinihaya na ito ng manghuhula. Lumabas ang Queen na Diamond, tres na heart at siyeteng flower. Sabi niya, makakatapos ako ng pag-aaral at matutupad ang anumang gustuhin kong pangarap dahil nakatapos ako. Pagkatapos niya uling balasahin ay pinapili niya ako ng tatlong baraha. Ang nakuha ko ay katulad din ng nauna. Nakapagtataka dahil binalasa niya ang baraha. Sabi niya, ito ang nakatakda - may magagawa ka na makapgpapabago sa mundong ginagalawan mo. Bihira lang daw siya makaharap ng ganitong pagkakataon na magkatulad ang baraha sa una.

Tinanong ko siya. "Ano po kaya 'yung mgagawa ko na makapagpapabago sa mundo?" Ngunit sabi niya ay hindi niya alam kung ano iyon pero nakakasiguro siya na ito ay may relasyon sa karerang tinatahak ko.

Napaisip ako.

Binalasa niya uli ang mga baraha, sa pagkakataong ito, pag-ibig naman ang babasahin niya. Tulad ng dati, nag-cut ako ng tatlo. Lumabas ang queen na spade, dos na heart at queen na heart.

"Magkaka-anak ka ng dalawang lalaki. Yung nga lang, magkaiba ang ina ng dalawa." wika niya. at nang binalasa niya uli ay pinabunot niya ako ng tatlong baraha - diyes na flower, dos na heart at diyes na diamond. Sabi niya, ang dalawang batang ito ay magiging matagumpay at tatanggapin ang isa't-isa bilang magkadugo.

Nagulat ako bigla. Ang tagal kong nanahimik. Pakiramdam ko, kailangan ko palang mag-ingat.

Sumunod na hinulaan niya ang kamatayan ko. Tulad ng una at pangalawa, nag-cut ako ng baraha sa taltlong bahagi. Ang lumabas ay singko na diamond, alas na spade at ochong flower. Sabi sa hula, makakapag-abroad daw ako at sa bansang pupuntahan ko ay doon ako mamamatay. Ang edad ko daw kapag namatay ay 45. Ingatan ko daw ang baga at bato ko dahil iyon daw ang mahinang parte ng katawan ko at sanhi ng kamatayan ko.

Nang matapos ang hula. tinanong niya ako. "Ano sa tngin mo ang dapat mong gawin iho?"

Napakamot ako ng ulo. Ang hindi ko alam ay kung maniniwala ba ako o hindi. Para kasing totoo ang mga nakita ko.

Pero sabi niya na binabalaan lang niya ako. May isa pa siyang nabasa sa baraha... may posibilidad daw akong maging politiko sa hinaharap.

Ngayon ay parang hindi na ito kapani-paniwala.

Lumabas ako at napansin ko na ang isa kong kaibigan na kapitbahay ng manghuhula. Sabi ko na nanggaling ako doon.

"Mag-ngat ka. Nagkakatotoo ang sinasabi ng manghuhulang 'yon. Kaya nga siya binabalikan at dinadayo ng mga tao ay dahil sa kanyang kakayahan. Magpasalamat ka at ma babala ka galing sa kanya."

Nag-isip tuloy ako ng malalim. Bakit kaya ang daming nagpapahula pero alam naman nila na hindi ito lahat nagkakatotoo?

Ang manghuhula na nakaharap ko ay isang "cartomancy" na ang ibig sabihin na gumagamit ang manghuhula ng baraha upang basahin ang kapalaran ng ibang tao. Ang mga simbulo sa baraha ay may kaukulang kahulugan at representasyon. Ang heart ay para sa emosyon; ang spade ay sa intellect at edukasyon; ang diamond ay sa kalusugan at kayamanan at; ang flower ay kapangyarihan.

Ang hula ay hula lang... Tulad ng mga horoscope na nababasa natin sa dyaryo o kaya kung anong taon ng animal tayo ipinanganak (i.e. Year of the Pig)

Eh ano naman ang kinalaman ng Rider Kick dito?

Ang impact kasi ng ng panghuhula ay napakalakas sa ating mga Pilipino. Dahil sa hirap ng buhay at sa dami ng problema, sinusubukan nating makita ang konting hinaharap nang sa ganun ay may babala tayo sa pag-iingat. Mayaman, mahirap, bata o matanda ay mayroong interes sa panghuhula at mahulaan sila. May naniniwala at mayroon namang hindi. Tulad ng Rider Kick - masyadong malakas ang impact sa isang tinamaan na sanhi ng kanyang pagkasira. Ang hula ay may pagkakataon na nakakasira ng diskarte sa buhay (lalo na kapag ang tumatak sa isip natin ang mga negative na sinabi ng manghuhula). Ito ay dahil may mga taong masyadong dumedepende sa guhit ng kapalaran na pumupigil sa kanila at nakakalimutan na ang mga bagay na dapat gawin.

Hindi pa din ako naniniwala sa hula. Pero nagbago ang pananaw ko nang subukan ko ito. Nasa kamay pa din ang ating kapalaran. Tayo ang gagawa nito. Nariyan ang mga manghuhula para gabayan tayo (parang mga babaylan sa Ju-Mong na palabas). Patuloy ang mga manghuhula sa kanilang ginagawa. Hayaan natin sila na parang isang adviser o guidance councilor na paalalahanan tayo. Hindi mo kailangang maniwala sa kanila bagkus ay dapat magpasalamat ka dahil sila ay nagmamalasakit din.

Wednesday, June 2, 2010

Epiko 29: "The Good Thing Having A Tubercolosis (2007)"



"PAANO NANGYARI NA NAGKA-TB AKO?" That’s the first thing I ask to the doctor when me and Myda went to the hospital because of my 2 weeks fever. I’m in total shock and everything is just a world upon my shoulders. At first, I did’nt believe it not until the apicolordotic view of my x-ray shows some densities on the right apex on my right lung. It was september 11 and it’s the anniversary of the World Trade Center Terrorist Attack in NYC. Like the twin towers, my world falls apart.

"KAILANGAN MAGING MAAYOS ANG LAHAT. PERO PAANO? SAAN AKO MAGSISIMULA?" Ang totoo niyan eh kailangan kong mag-stop sa pagtatrabaho at magpagaling. Nagulat nga ako nang sabihin ng doktor na 6 months ang medication. Ang tagal nun! Ano naman ang gagawin ko sa napakahabang panahon na ‘yun? Bumalik ako sa doktor at tinanong ang mga dapat gawin at gamot na dapat inumin. Duda ako na nakuha ko ang sakit na ito kung kanino. Kasi ‘yung nature ng trabaho ko sa EPZA eh mukhang may kinalaman kung ano ako ngayon.

OCTOBER 23 last year is the new beginning of my journey. The medicine sucks and I can’t stand the taste of it! It’s so awful! The first thing i must do is to quit smoking. Although it’s very hard to do, I must do it in to survive! The first week is a mess. There was a time that i have almost to forgot to take the medicine one hour before breakfast. good thing Myda is always on my side reminding me. I must pass the intensive phase of my medication (isoniazid, rifampicin, ethambutol and pyrazinamide one hour before breakfast).

BADTRIP TALAGA! Sa loob ng isang buwan, wala akong ginawa kundi mahiga, manood ng t.v. at matulog. Kaya gumawa ako ng paraan para may magawa ako. Sabi ng doktor, dapat sariwa ang hangin kaya sa farm ng tatay ko ako nagtigil. Pero alam niyo, di ko inasahan na magiging close kami ng tatay ko. Medyo malayo ang loob ko sa kanya nung maliit pa ako pero ngayon, nasasabihan ko na siya ng problema at nararamdaman ko. Nalanam ko na nagka-tb siya noong binata. Akala ko nga, wala nang pag-asa na magkalapit kami, mali ako. Kaya siguro binigay ng Diyos ang sakit na ito ay para maayos ang di pagkakaunawaan naming dalawa. Masaya ako doon! Nawili din ako bukod sa malinis ang hangin, nagtanim din ako ng orchids. Noong una parang korny kasi pang-babae lang ‘yun. Pero maganda na ‘pag namulaklak na. Naisip ko na para palang halaman ang tao - hindi mo alam ang mangyayari kung hindi mo pa nakikita ang pinakamagandang parte ng buhay.

AFTER 2 MONTHS, nagkaroon ako ng series of examination sa sputum. Negative na ang result at ang pananakit ng likod ko eh nawala na. Sabi ng doktor, gumagaling na ako. Dati 63.5 kg ako bago magsimula ng gamot, ngayon 74 kg na ako! Problema ko na tuloy kung paano babalik ang dati kong timbang. Para na akong elepante! Maintenance phase na daw ang gagawin ko. Binawasan niya ang gamot ko. Inalis niya ang pyrazinamide. 2 months later, inalis na yung ethambutol. Mas madali na ang pag-inom ng gamot.

NAGING POSITIVE ang outcome nito sa akin. Masaya ako dahil may suporta ako na nakukuha sa mga tao na mahalaga sa akin. Nagsimula ako na magsulat ng bagong novel na inspired sa ginagawa kong paggagamot sa sarili. Mas naging pursigido ako at naging mas matatag. Naisip ko na lahat ng bagay ay may solusyon at may mga sakit na kayang labanan basta magpagaling ka lang. Ngayon ko lang naisip na iilan lang talaga ang mga taong nag-aalala sa aking karamdaman. Siyempre, di mawawala ang mga tao na nadidiri sa akin na baka daw sila mahawa. Eh ano ngayon? Ako nga eh nag-iingat tapos tinamaan ng sakit na ito. May mga pagkakataon na hindi mo inaasahan na pwedeng mangyari at magpabago sa pananaw mo sa buhay. Kailangan mong magpahalaga sa kahit maliit na bagay na naibibigay sa atin. Nawala na ang mga bisyo ko. Marahil binigyan ako ng tb para baguhin ang lifestyle ko. Di na nga ako nakakatikim ng alak at yosi. Lagi kasing prutas ang kinakain ko.

NOW I UNDERSTAND WHY TUBERCOLOSIS INVADE MY BODY.. It taught me how life can be meaningful ang happier than anyone least expect. Ginamit Niya ang sakit para ituro sa akin ang dapat gawin. April 23 pa ang tapos ng paggagamot ko. Ang di ko makakalimutan ang panahon na ito. Alagaan natin ang ating sarili. Spending more time with my familiy make me feel good too. Don’t abuse what God gave us. Bukod sa nakapahinga ako ng matagal ay nakapagmuni-muni din ako kung ano ang dapat gawin. Maging handa sa mga oras na hindi mo inaasahan at maging matatag sa pagsubok na haharapin mo sa kinabukasan…. Iba na ang pananaw ko sa buhay at ito ang maghahatid sa akin sa tagumpay na walang sinuman ang nakakaalam kung kelan mangyayari.

Epiko 28: "Ikaw Ba Si Darth Vader?"



Sa panahon ngayon kung saan napapalibutan tayo ng mga katanungan, patuloy tayong naghahanap ng mga kasagutan kung ano at sino tayo sa mundo. Minsan, may mga pagkakataon na ang bawat hakbang na ginagawa natin ay may malaking epekto sa ating kinabukasan. Gustuhin man natin, mayroon tayong daan na dapat tahakin na kung minsan ay dinadala atayo sa madilim na bahagi ng ating pagkatao.

Marahil kilala mo si Darth Vader - ang kilalang kalaban sa mga serye ng pelikulang "Star Wars." Kilala siya sa buong mundo dahil siya ang nagsilbing pangunahing kaaway dito. Ang kanyang tila "samurai" look ang lalong nagpa-angas sa kanyang itsura at idagdag mo pa ang kanyang mga kakayahan sa pamumuno at pakikipaglaban na talagang nagluklok sa kanya sa kasikatan sa mundo ng sci-fi movies. Mula noon hanggang ngayon, isa na siyang "icon" na kontrabida.

Pero hindi siya nalalayo sa atin.

Sa "Episode I: The Phantom Menace" ng serye, nakilala natin siya bilang si "Anakin Skywalker - isang batang inosente sa mga kaguluhan sa paligid niya. Bilang isang anak ng alipin, nangako siya sa kanyang ina na palalayain niya ito. Ito ang dahilan kung bakit nais niyang maging isang Jedi. Kahit na tutol ang konseho sa kanyang pagiging isang mandirigma, ipinaglaban siya ng mga taong naniniwala sa kanyang kakayahan na isang "chosen one" na magbabalik balanase sa boung galaxy. Tulad natin, ang pagiging inosente sa isang bagay ang nagtutulak sa atin upang suungin ang landas ng kaliwanangan. Kaya nga tayo nag-aaral at natututo sa ating mga karanasan dahil mahalaga ito sa atin upang umunlad bilang isang tao.

Ngunit lahat ay nagbabago. Sa "Episode II: Attack of the Clones" ay nagkaroon siya ng mga katanungan sa kanyang sarili. Tulad natin, naging mapusok siya at nagdedesisyon ng padalos-dalos na nauuwi sa kapahamakan. Ito ay dahil nababalot ang kanyang pagkatao ng galit, takot at pag-asam ng mataas na kapangyarihan. Habang lumalaki sa Anakin Skywalker, naiisip niya ang mga tanong na gumugulo sa kanyang isipan - kung bakit ganito at ganyan ang buhay sa kalawakan. Pinilit niyang hanapain ang mga sagot na ito ngunit sa kasamaang palad dahil sa impluwensiya ng mga taga-Darkside ay namulat siya sa prinsipyong baluktot. Makikita ang kanyang pagbabago at pagsisimula ng bagong buhay sa katapusan ng "Episode III: Revenge of the Sith" na kung saan tinanggap niya ang pagiging Darth Vader. Pinatay niya ang mga taong hahadlang sa kanyang kagustuhan at kahit ang kanyang asawa, master at pagiging Jedi ay tinalikuran niya.

May posibilidad na maging katulad tayo ni Darth Vader. Sa ating padalos-dalos na pag-iisip ay hindi natin namamalayan na naapektuhan ang mga taong nasa paligid natin. Nakukuha nating talikuran ang mga mahahalagang bagay dahil sa ating pansariling kagustuhan at naiimpluwensiyahan tayo ng mga taong hindi akma ang paniniwala na ginagawa tayong iba sa ating nakasanayan. Kaya huwag tayong magtaka na ang mga ibang pinuno ng ating gobyerno, kaibigan o isang taong mahalaga sa atin ay may ganitong paniniwala sa buhay.

Sabi ni Yoda, "Fear leads to anger... anger leads to hate... hate leads to suffering." Ito ang dahilan kung bakit nalunod si Anakin Skywalker sa Darkside ng pagiging Sith. Hinanap niya ang kasagutan sa mga tanong ngunit ang nakasagot nito ay isang madilim na bahagi ng kanyang pagkatao na nagtulak sa kanya na maging masama.

Ito ang dapat nating iwasan. Ang malamon tayo ng ating sariling kasamaan.

Ang buhay ng tao ay balanse - may mabuti at may masama. Hindi natin kailangang pumunta sa isa lang panig tulad ng ginawa ni Darth Vader. Manatili tayo sa gitna dahil ang pagpunta sa balanseng panig ang magdadala sa atin sa kapayapaan at kalayaan.

"May the force be with you..."