Thursday, June 17, 2010
Epiko 31 - "Paano Gagamitin Ang Titi Sa Blackboard?"
Sex...
Sa salitang Filipino... alam mo na 'yun!
Sa tuwing pag-uusapan ang ganitong paksa, lahat ay interesado. Ang lahat ay may kanya-kanyang pananaw, karanasan at opinyon ukol dito. Masarap talakayin ito tulad ng kung paano ito ginagawa ng dalawang tao sa isang lugar. Lahat ng ito ay bahagi ng ating pagtungtong sa pagiging isang ganap na tao. Naalala ko ang isang karanasan sa isang babae na minahal ko at ginawan ko ng ganitong bagay. Ang problema, iniwan din niya ako at humanap ng iba. Noong una, akala ko ay sapat na ang kaalaman ko sa sex dahil sa panonood ko ng mga pelikula tulad ng American Pie series, Deuce Bigalow at marami pang iba na may temang sex comedy. Pero mali ako. Higit pa ito sa inaasahan ko.
Nang isinulong ng DepEd ang sex education sa mga piling paaralan, marami ang umalma at nagtaas ng kilay (lalo na ang mga dati kong teacher sa elementary na dalaga)dahil hindi pa ito ang tamang panahon para may matutunan sila pagdating sa ganitong bagay. Ang miskonsepsyon nito ay lalong nagpatibay sa mga ibang guro na dapat itong isulong sa buong bansa pagkatapos ng isang taon dahil mahalaga ito sa mga estudyante na nagbibinata at nagdadalaga na maging "aware" sa kanilang sekswalidad - mapa-katawan o emosyonal.
Pero talaga bang dapat sa paaralan ito ituro?
Sa ibang bansa, ang mga pelikulang may temang sex comedy ay isang hakbang para imulat ang kabataan sa mga pangyayari at sitwasyon na may kinalaman sa sex. Nandyan ang tatay ni Jim Levenstein ng American Pie series na nagpapangaral sa kanyang anak tugkol sa sex at pag-ibig. Si Deuce Bigalow naman sa kabilang banda ay nagsasabi na ang sex ay mahalaga at hindi dapat abusuhin at gawing "man-whore" ang sarili. Ang Eurotrip barkada na nilibot ang buong Europe ay natutunan ang isang mahalagang bagay sa kanilang paglalakbay - ang sex ay isang komplikadong bagay sa mga kabataan na dapat nilang malaman mismo sa kanilang sarili. Sa Pilipinas, bihira lang ang ganitong pelikula dahil sa mga konserbatibong pananaw ng mga ilan nating kababayan. buti n lang may FHM, UNO at MAXIM na babasahin na pwedeng magbigay sa atin ng impormasyon tungkol sa sex.
Pero hindi ito ang tinutumbok ng sex education na ini-integrate sa ating bansa.
Siguro ay mas magandang tawagin itong "gender education" dahil ipinamamalas nito ang pisikal at mala-agham na paliwanag tungkol sa ating sekswalidad. Ang konotasyon kasi ng salitang sex sa atin ay medyo hindi maganda ang kahulugan. Hindi naman ituturo sa paaralan kung paano makipagtalik at ano ang mga posisyon na dapat matutunan para mapasaya ang bawat isa na katalik natin. Ito ay nagtuturo ng responsable at maingat na pag-aalaga sa ating sekswalidad upang makaiwas sa mga sakit at emosyonal na problema dala ng sex.
Sabihin na natin na hindi mawawala ang sex sa talakayan sa isang lesson at ito ay sensitibo p[ara sa mga estudyante. Ang mga edad nila (partikular sa high school) ay nagsisimula na silang maging mapusok at mapag-eksperimento upang mahanap ang kasagutan tungkol sa sex. Para sa mga guro, marapat na maging maingat sila sa mga isyu na kanilang pag-uusapan sa loob ng klase. Responsibilidad din nila kung paano ito ipapaliwanag sa mga bata na walang halong malisya o kabastusan. Mahirap iotng gawin pero dapat nila itong isaalang-alan sapagkat nakasalalay dito ang kinabukasan ng bawat bata. Isang maling pagkakamali ay maaring humantong sa hindi inaasahang pangyayari na pagdurusahan nila habambuhay.
Sa mga magulang, ang sensitibong talakayan tungkol sa sex ay dapat isaalang-alang. Mahirap sabihin na ang sex ay para sa mag-asawa lang (dahil sa mga panahon na ito ay marami na ang mga batang nai-involve dito.)pero ang tamang impormasyon at pangaral ay mahalaga din dahil responsibilidad ng mga magulang ang pangaralan sila tungkol dito.
Bilang estudyante o karaniwang bata, hindi ito isang biro. Ag sex ay mahalaga sa bawat isa. Pero hindi lang ito hanap ng katawan lang... Ito ay mahalaga upang mapatibay ang isang relasyon para sa kinabukasan. Ang mga mahahalagang paalala mula sa mga guro, karanasan ng iba, pelikula at babasahin na may ganitong tema ay maging daan upang maging responsable sa ganitong isyu. Kaya tinuturuan ang mga bata ng ganitong aral ay para din sakanilang kabutihan at kinabukasan.
Napaka-swerte ng henerasyon ngayon pagdating sa sex education. Dati, natututo ang mga kabataan sa "trial and error" pagdating sa sex kaya nagkakaroon ng sakit o di inaasahang pagbubuntis. Ang mga simbahan at institusyon na tutol noon dito ay nagtutulong-tulong para mapatupad ang panukalang ito sa susunod na taon sa lahat ng eskwelahan.
Ang sex at moralidad ay parang taong nakaharap sa salamin... pareho lang sila... at 'yun ang totoong aral na makukuha natin sa sex education. Maging bukas tayo sa isyung ito dahil hindi ito para sa atin kundi sa mga susunod na henerasyon na tuturuan natin.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment