Friday, June 25, 2010

Epiko 32: "Isang Sulyap Sa Bituin Ng Tagumpay"



Mahirap gumawa ng isang stageplay. Ang totoo niyan hindi ko alam kung paano ko ito ginawa. Gusto ko lang ipakita sa inyo ang isang sulyap sa aking obra na pinamagatang "BOARDERS" na gagamitin ng CvSU Student Artiste' Society (STARS) sa kanilang major production (hindi ko alam kung kailan). Inilalarawan nito ang buhay sa loob ng boardinghouse na kung saan halos lahat ng kolehiyong estudyante ay nakaranas. Ang inyong mababasa ay hango sa aking hindi makakalimutang karanasan sa boardinghouse sa Brgy. Kaytapos sa Indang.

Ikaanim na Tagpo

Alas kwatro ng madaling araw, Madilim ang buong entablado. Isang tunog na mula sa pinto na dahan-dahang ngabubukas. Papasok sina Jean at Carl na nagbubungisngisan.

Jean: Dalian mo Carl. Huwag kang gagawa ng ingay. Tulog pa silang lahat.

Carl: Okay lang ba kung ditto na lang sa sofa? Hindi na ako makapgpigil eh…

Jean: Ano ka ba… teka lang… masyadong madilim.

Carl: Saan ba ang daan?

Jean: Teka lang… (Gagawa ng halinghing. Matagal.)

Carl: Iba ka talaga… (Uungol.)

Jean: Ikaw din… (Matatabig ang isang tasa na gagawa ng malakas na ingay.) Naku lagot na! (Lalabas sa kwarto si Paolo na naka-mudpack at curlers. Nakasuot ng kamison at bubuhayin ang ilaw. Naka-posisyon sina Carl at Jean na magsisimulang magtalik. Wala nang damit si Carl na pantaas at si Jean at halos mahuhubaran na.)

Paolo: (Titili ng malakas.) Mga baboy! Dito pa kayo gagawa ng kalokohan.(Magugulat kay Carl) At ikaw ikaw lalaki ka, anong ginagawa mo at kasama mo ang malanding ‘yan?

Carl: (Nag-aayos ng pantalon) P-Paolo? Dito ka nagbo-board?

Jean: (Magtataka.) Magkakilala kayo?

Paolo: Oo bruha! Jowa ko ‘yan at limang buwan na kami!

Jean: Ano? (Titingin kay Carl ng masama.)

Carl: T-teka… magpapaliwanag ako!

Paolo: Hindi ko kailangan ang paliwanag mong manloloko ka!

Carl: (Lalapit kay Paolo.) Magpapa-umaga lang ako dito.

Jean: (Tatayo.) Teka… akala ko ba eh may gagawin tayo.

Paolo: (Lalapit kay Jean.) At ano ang gagawin niyo dito? Magpapalipas ng sarap?

Carl: Sandali nga! (Pupunta sa gitna nina Jean at Paolo) Huwag nga kayong mag-away!

Jean: (Sasampalin si Carl sa kanang pisngi.) Sinungaling ka! Pumapatol ka pala sa bakla! Ang masama pa nito, kasama ko pa sa kwarto! Hudas ka!

Paolo: (Sasampalin si Carl sa kaliwang pisngi.) Bulaan ka! Pagkatapos mo akong gatasan at parausan ay ito ang isusukli mo sa akin?

Carl: Fine! Mga mabababang uri! (Lalabas siya ng bahay. Lalabas sa kwarto si Joules at si Selena sa kwarto ni Anthony.)

Joules: Ang aga naman niyan! Anong problema at para kayong nasa palengke at nagtatalo sa suki? (Mag-iirapan ang dalawang nag-away. Papasok sila sa kanilang mga kwarto. Maiiwan sina Joules at Selena sa salas. Kukuha siya ng walis tambo at lilinisin ang nabasag na tasa.)

Selena: Ano kaya ang nangyari? Bakit may basag na tasa?

Joules: Hindi ko alam. Normal na ‘to sa amin. Mukhang seryoso ang away ng dalawang ‘yun. Kailangang malinis ang bubog kasi baka makadisgrasya.

Selena: Malaki pala ang malasakit mo sa kanila. Kaya pala kuya ang tawag nila sa ‘yo.

Joules: Okay lang ‘yun. (Dadakutin ang kalat.) Matulog ka pa. Baka may pasok ka pa mamaya.

Selena: Wala kaming pasok ngayon at hindi na ako inaantok gawa ng ingay. Hirap na akong gumawa ng antok. (Ngingiti.)

Joules: Ganun ba? Teka, gusto mo bang mag-almusal?

Selena: Naku huwag na. Kape na lang eh okay na sa akin. Meron ka ba?

Joules: Nasa kusina. May asukal na din dun at creamer.

Selena: Sige. Gagawa ako. (Pupunta sa kusina.)

Joules. (Pipigilan si Selena at hahawakan ang kamay.) Naku ako na lang. Nakakahiya sa ‘yo. Bisita ka namin.

Selena: (Mapapahinto. Magtitigan ang dalawa. Matagal.) Okay lang sa ‘kin ‘to. Just wait here okay? (Bibitawan ni Joules si Selena at hahayaang pumunta sa kusina.)

Joules: (Titingnan ang kanyang kamay at aamuyin.) Ang lambot ng kamay niya. Ang bango pa. Bakit parang iba ang nararamdaman ko? (Uupo sa sofa.) Shit! Huwag naman sana… Hindi ito pwedeng mangyari. Joules, magpigil ka sa sarili mo… Huwag mong hayaang mahulog ka sa babaeng ‘yan. Madami siyang binasted. Malamang hindi siya magkakaroon ng interes sa akin. (Dadating si Selena na may dalang dalawang tasa ng kape. Ipinatong niya ito sa lamesita.)

Selena: Heto na ang kape. (Kukuha si Joules ng isang tasa. Aamuyin at iinumin dahan-dahan.)

Joules: (Magliliwanag ang mukha.) Ang sarap mong magtimpla ng kape. Panalo!

Selena: (Kukuha ng kape at tatbi kay Joules.) Tsamba lang ito. May klase ka ba mamaya?

Joules: Mamaya pang alas otso. (Mapapansin ni Selena na may papel sa may sofa.
Binasa niya ang nakasulat ng tahimik at matagal. Mapapakagat-labi si Joules)

Selena: Ikaw ba ang gumawa nito?

Joules: Ah… Eh… Oo. (Sabay kamot sa ulo.)

Selena: Ang ganda. Pwedeng akin na lang?

Joules: H-ha?

Selena: Ang totoo kasi niyan, bilib ako sa mga taong magaling magsulat. Kasi mahilig akong magbasa. Gusto ko ‘yung binabasa ko eh may epekto sa akin. Tulad nito… Simple lang ang ginamit mong salita pero ang lalim ng kahulugan. Baka gifted ka. Matagal ka na bang nagsusulat?

Joules: Hindi. Ngayon-ngayon lang. Sinubukan ko lang.

Selena: Alam mo, dapat hasain mo ang talent mo sa pagsusulat. May mararating ka dahil ang ganda ng ginawa mo. Hindi ako writer pero I appreciate this one kasi maganda eh. Sino ba ang muse mo?

Joules: M-muse?

Selena: Oo. Sabi kasi sa Greek mythology, ang mga artist daw ay may mga muse. Sila ‘yung pinagkukunan nila ng inspirasyon kapag gumagawa sila ng isang tula, sculture o kahit anong anyo ng art. Sino ba siya? Girlfriend mo?
Joules: H-ha? Hindi siya.

Selena: (Mangingiti.) Well, I hope na napaka-swerte ng muse mo. Kasi sa tula mo eh hindi mo alam kung ano ang gusto mong sabihin sa kanya.

Joules: Sa totoo lang, ‘yun ang nararamdaman ko habang isinusulat ko ‘yan. Para kasing wala akong lakas ng loob para sabihin sa kanya ang lahat ng nararamdaman ko. Idinaan ko na lang sa pagsusulat para maging maluwag ang pakiramdam ko.

Selena: Masterbatory writer ka pala.

Joules: Ano? (Tatayo.) Hindi ako nagma-masterbate kapag nagsusulat ako!

Selena: (Tatawa ng malakas) Hindi ‘yun ang ibig kong sabihin. Nagsusulat ka pala para iolabas ang nararamdaman mo at pagkatapos, balewala na ang lahat. ‘Yun ang tinatawag kong masterbatory writing.

Joules: (Tila napapahiya at hindi makatingin sa kaharap.) Ang pangit kasi ng term na ginamit mo. Alam mo naman na hindi ako magaling pagdating dyan. Wala kasi niyan sa mga inaaral ko. Mukhang may natutunan ako ngayong araw na ‘to sa ‘yo.

Selena: Hindi mo pa din sinasagot ang isa kong tanong. May girlfriend ka na ba?

Joules: Bakit? Kapag sinabi ko bang wala eh maniniwala ka?

Selena: Ewan ko. Bakit? Liligawan mo ba din ako?

Joules: (Matatawa.) Ikaw talaga. Pero may mga naririnig ako sa ‘yo na kilala ka na madami kang binasted na lalaki sa campus.

Selena: Hindi naman sa ayokong magka-boyfriend. Gusto ko kasi munang makatapos ng pag-aaral at maabot ko ang pangarap ko. Bukod pa dun, takot akong masaktan at magmahal.

Joules: Bakit naman? Paano mo nasabi ang isang bagay na hindi mo pa nararanasan? Nakaktawa ka naman.

Selena: (Mapapataas ng kilay.) Anong nakakatawa dun?

Joules: You base your ideas from others. Ngunit hindi dapat palaging ganun. Dapat ikaw din ay matuto sa sarili mong karanasan. Doon mo masasabi ang isang ideya o opinion na mula sa puso mo. Ang takot na nararamdaman mo eh pansamantala lang. pero dapat malabanan mo ito.

Selena: I see Joules. You have a point. I never expected na sasabihin mo ang mga salitang ‘yan. I guess I learned something from you.

Joules: Ganun talaga. Sa bawat isa ay may natututnan tayo na bago. (Lalabas si Reagan, Reilan at Sixto sa kanilang kwarto. Makikita nila na nag-uusap ang dalawa. Pupunta sila sa isang sulok.)

Sixto: Totoo ba ang nakikita ko? Ang bangis ni Joules!

Reagan: This is major! (Babahin si Reilan ng malakas. Makikita sila nina Joules at Selena.)

Joules: (Titingin sa tatlo.) Ah eh… (Haharap kay Selena) Papasok muna ako sa kwarto. Maiwan muna kita dito.

Selena: Ako din. Papasok muna ako sa kwarto. Mamaya na lang. (Papasok si Selena sa kwarto. Si Joules naman ay pipigilan ng tatlo.

Reagan: Ano pareng Joules? Maiiyak ka na ba dahil basted ka?

Joules: Iyon ang akala niyo… Wala pang babaeng tumanggi kay Joules San Felipe Jr.

Sixto: Eh di ibig sabihin, may pag-asa? (Tatango si Joules) Puta! I-rate mo nga ang pag-asa mo kay Selena. One to ten… ten is the highest.

Joules: Eleven pare! (Sabay apir ni Sixto at Reagan sa kanya. Papasok siya sa kwarto. Maiiwan ang tatlo sa may sala.)

Reagan: Bilib ako kay joules! Ang agang dumiskarte! Ano kaya ang sikreto nun?

Sixto: Naalala mo ba nung nagkwento siya sa tungkol sa mga gayuma? Kung may papel ako nung araw na ‘yun eh baka nailista ko lahat. Wala na akong matandaan eh.
Reilan: Hindi ba may girlfriend na si kuya Joules?

Sixto: Eh ano naman? Okay lang ‘yun! Hindi pa naman asawa eh. Panoorin mo siyang dumiskarte. Matutuo ka kung paano magka-chicks! Idol nga naming siya eh! Di ba Reagan? (Tatango si Reagan)

Reagan: Pareng Sixto, bili tayo ng pandesal sa tindahan. Ikaw Reilan, sasama ka?

Reilan: Sige.

Sixto: Sasama ka?

Reilan: Oo.

Sixto: Siya magsapatos ka kung sasama ka!

Reilan: Ano ako bata? (Aalis ang tatlo papunta sa labas. Unti-unting mamatay ang ilaw ng entablado.)

No comments:

Post a Comment