Tuesday, September 21, 2010
Epiko 44: "Isang Sulat (Para sa Kanya)"
Sherry,
Yo!
For almost 3 months (estimated ko lang) I’m so happy and blessed to meet a person like you. Sayang lang at saglit lang tayo nagkasama. Pero kahit na sa maiksing panahon na ‘yon, malaki ang ginawa mong pagbabago sa akin.
I would like take this opportunity to thank you for all the things you’ve done to me during my practice teaching. To tell you honestly, I arrived in that place torned out and pressured with all the things that happened to me four months ago (at kung ikukwento ko sa ‘yo eh kulang ang isang araw). Wala naman talaga akong kaibigan na maituturing and this is my first time na magkaroon ako ng isang taong tulad mo na frantically, nakasundo ko kaagad. Kahit nga ako eh hindi ko din alam na makakasundo mo ako (nga ba?) with that short span of time.
Basta alagaan mo ang sarili mo dahil sakitin ka (ironically, ako nga dapat ang nasa kalagayan mo because of ny vices and bad habits.). Hindi ko naman hinihiling sa ‘yo na palagi kang nandyan kapag kailangan kita. Masaya na ako dahil nag-krus ang mga daan natin. Hindi ko din alam kung magkikita pa ba uli tayo o kaya naman mag-krus uli ang mga daan natin. For me, the important thing you’ve done to me is you bring back the smile in my face again. It’s been so long na nakangiti ako ng ganito. Believe it or not, hindi ko makakalimutan (or should I say “hindi ko kakalimutan”) ang mga panahon na nakasama kita. Too bad na saglit lang talaga. How I wish na sana ma-extend pa tayo pero may kanya-kanya tayong path na pupuntahan after our internship.
Alam mo, malungkot ako na di na kita makikita araw-araw. But I’m still thankful kasi may bagong daan na nabuksan at isa ka sa mga taong nakita ko sa daan na ‘yun. Akala ko, stagnant at walang progress ang nangyari sa akin sa West pero nang dahil sa ‘yo, may na-realize ako behind your “Heh!”, “Sasapakin kita!” and “Tinatamad na ako” lines – na dapat akong magpatuloy sa agos ng buhay at maging masaya sa bawat hirap at pagsubok na dumadating sa buhay. Nawalan man ako ng isang napakahalagang kaibigan four months ago, natagpuan naman kita and I guess my reason si God kung bakit kita nakilala. Kung anuman ‘yun, hindi ko pa din alam.
Sana hindi mawala ang nabuong friendship natin. Sana after natin umalis at magkanya-kanya, nadun pa din ‘yung the same humor and funny gestures na ginagawa natin at hindi mo ako makalimutan. I think I consider you as a friend na pinagkakautangan ko ng malaking bagay – ibinalik mo sa akin ang totoong Julius na matagal nang nawala sa akin. Though awkward it may seems, you became a big part of my unforgettable chapter in my life. Sana di mo ako makalimutan and if ever na kailangan mo ang tulong ko (kahit ano… huwag lang pera kasi wala pa akong trabaho eh.), I will not hesitate to help you. Isang text lang ako at agad akong pupunta kung nasaan ka para tulungan o damayan kita.
There’s a saying that ”Friendship is like wine; it gets better as it grows older.” Sana sa paglipas ng panahon, hindi mo ako makalimutan na naging parte ako ng buhay estudyante-guro mo. Sana hindi din maputol ang pagkakaibigan natin… kahit magkaiba man tayo ng paniniwala, kahit na magkaiba man pangarap natin sa buhay at kahit magkaiba man ang mundo na ating ginagalawan, I’ll assure you that I’m always here for you as a good and true friend. Mami-miss kita ng bonggang-bongga!
Hanggang dito na lang siguro muna ako… Basta nandito lang ako if you need a helping hand, an adviser, a clown, a brother or a shoulder to cry on…
Goodluck!
Friday, September 17, 2010
Epiko 43: "Asul Ang Kulay ng Pag-Ibig"
Gumawa ako ng isang tula na gusto kong ibahagi sa inyo. Simple lang ang mga ginamit kong salita dito. Habang nakikinig ng "Rhapsody in Blue" ng DA PUMP (isang kilalang boyband ng Japan), nabuo ko ang tulang may malalim (na parang sumisid ka sa asul na dagat sa Palawan)na kahulugan tungkol sa pag-ibig. Siyempre, may tao sa likod ng mga salitang nagwawala sa puso ko na inilipat ko sa anyong masining.
"Asul Ang Kulay ng Pag-ibig"
"Asul ang kulay ng pag-ibig,
Tulad ng repleksiyon ng langit sa tubig.
Mahirap ikubli ang itinatagong pag-ibig,
Na parang tasang may laman na aksidenteng natabig.
Bughaw man ang kulay ng aking nararamdaman,
Pilit ko itong itinatago nang di niya malaman...
Na ginawa niyang langit ang bawat kaligayahan,
Sa bawat oras na aming pinagsasaluhan.
Lahat na aking nakikita ay kulay asul,
Lalo na kapag nagkikita kami sa school.
Kung minsan gusto kong kumuha ng bato at ipukol...
Sa aking puso na unti-unting bumubukol.
Kulay asul ang aking mundo pag nandyan siya,
Ngunit mas matingkad ito kung siya ay wala.
Kung bakit kasi ito ang kulay ng aking nadarama,
Eh di sana di na ako nahihirapan pa.
Ang katulad niya ay isang asul na rosas,
Na maganda sa mata ang ipinamamalas.
Hindi ko siya maaabot dahil siya ay mataas,
Tulad ng langit na may pangarap na pumapagaspas.
Kung kulay asul talaga ang kulay ng pag-ibig,
Ayoko nang umibig...
Tulad ng dagat na puno ng tubig,
Sana ang nararamdaman ko ay kanyang marinig."
Sana ay iyong maunawaan ang mga salitang ipininta ko. Nakakahinayang lang at hindi niya ito mababasa... kasi hindi siya fan ng THE EMONG CHRONICLES. Pero umaasa ako na balang araw ay mababasa niya ito.
Sunday, September 5, 2010
Epiko 42: “Huwag Mong Dibdibin… May Likod Ka Pa.”
Sa buhay natin, lahat ng simula ay may katapusan. Ngunit sa bawat katapusan ay may panibagong simula na naghihintay sa atin.
May isang kwento ako na gusto kong ibahagi sa ‘yo.
Habang nagkaklase ako sa I-D, tinanong ko sila kung ano ang gagawin nila kapag may malaking problema silang hinaharap. Sabi ng isang estudyante, “Huwag mong dibdibin… may likod ka pa.” Bigla akong napaisip sa sinabi niya. Kahit na medyo pabiro ang tono ng kanyang boses, mayroon akong naramdamang konting lohika sa kanyang maikling sagot.
Kung ating iisipin, lahat kasi ng tao ay may pagkakataong nakakaharap sa isang matinding pagsubok. Sabi nga ni Michael Green sa kanyang librong “The Truth of God Incarnate”, natural sa isang tao na maging mahina dahil walang taong malakas… si Cristo lang na nagkatawang-tao ang masasabing pinakamalakas na taong nabuhay sa kasaysayan. Kahit hindi niya kayang bumuhat ng isang toneladang tinapay, kaya niya itong paramihin. Ang nagpapalakas sa kanya ay ang pananalig sa Diyos Ama na pinagtitiwalaan niyang mabuti.
Isang konkretong halimbawa sa akin ay ang nangyari sa akin limang buwan na ang nakakalipas. Dumating ang sa kabanata ng buhay ko na ako’y nagkaroon ng matinding depresyon dahil sa isang tao na labis akong sinaktan. Parang ayoko nang mabuhay noong mga panahon na ‘yon. Malaki ang naging epekto nito sa aking kalusugan at pag-iisip. Akala ko nga ay mababaliw na ako dahil pakiramdam ko ay hindi ko kayang mabuhay kung wala siya… kahit na nagsasalo kami sa isang kasalanan. Siguro nga, hindi tama ang nangyari sa amin. Naging bulag ako at tanga dahil sinira ko ang aking sarili sa isang taong hindi naman talaga karapat-dapat na mahalin.
Sa kabila nang lahat ng ito, napagtanto ko na hindi dapat dibdibin ang nangyari sa akin. Ang totoo nga niyan ay parang nagising ako bigla sa isang masamang panaginip. Binago ko ang sarili ko at inayos ko gulo sa aking isip at damdamin. Tumayo ako at muling inihakbang ang aking mga paa at lumakad muli sa daan na aking tinatahak. Naisip ko ang mga taong totoong may malasakit at nag-aalala sa akin sa nangyari. Ang kanilang mga likod ang nagsilbi kong hingahan ng sama ng loob at naging sandalan sa aking pagluha. Sa mga oras na ‘yon, nakaramdam ako ng pagpapahalaga mula sa mga taong alam kong malalapitan at maasahan sa isa sa mga madidilim na kabanata ng buhay ko.
Nang nag-practice teaching ako, nakilala ko ang mga at mga guro at bata na nagbigay kulay sa aking pagkatao. Iba-iba man sila ng hilig, interes at personalidad, nakuha kong maibahagi sa kanila ang isang parte ng aking sarili sa kanila. Alam ko na balang araw ay magagamit din nila ang aking ibinahagi sa kanila pagdating ng tamang panahon. Sila din ang naging mga bago kong kaibigan at ipinakita nila sa akin kung ano at sino talaga ako at ano ang dapat kong gawin sa buhay ko. Sila din ang naging likod ko sa aking muling pagbangon. Salamat sa kanila ganun din ang isang espesyal na tao na kasama ko sa lugar na ‘yon na nagbalik ng ngiti sa akin. Siya din ang likod na nagbigay inspirasyon sa akin para ituloy ang panibagong buhay na mayroon ako ngayon.
Kung may problema ka, huwag mo itong dibdibin masyado dahil kung iisipin mo na nag sitwasyon mo ngayon ay parang “life and death situation”, madaming beses kang mamamatay. Isipin mo ang mga tao na palaging nakasuporta sa ‘yo at maiisip mo na hindi ka nag-iisa. Higit pa doon, tutulungan ka nilang itayo kang muli at magpatuloy sa buhay at ibabalik nila ang tiwala mo sa sarili. Sa tao o sitwasyon na nagbigay pasakit sa ‘yo, isipin mo na lang na ang tadhana ang gaganti para sa ‘yo. Matuto tayong magpatawad at kalimutan ang nakaraan.
Sa ngayon, masasabi ko a ayos na ako di tulad noong nagsimula ang chronicles na punong-puno ng galit at pagkamuhi. Para sa kaalaman mo, isinilang ang The Emong Chronicles na punong-puno ng negatibong pananaw at aura dahil ito ang nagging labasan ko ng sama ng loob. Pero ngayon, magbabago na ang lahat – ito na marahil ang katapusan ng aking kalbaryo at simula ng aking panibagong buhay. Kahit wala na akong dibdib na puno ng sama ng loob, may likod pa ako na pwedeng maging sandalan at takbuhan ninuman.
Thursday, September 2, 2010
Epiko 41: “Isang Tula ng Pag-Ibig(?)”
September 1, 2010…
Hindi ko alam kung paano ko ikukuwento ang araw na ‘to sa ‘yo. Basta, sa mga oras na ‘to habang nagtitipa ako ng keyboard ay umaapaw ang saya sa aking dibdib. Wala akong mapaglagyan ng tuwa sa mga oras na ‘to. Sa buong panahon ko ng pagsusulat sa blog, ngayon lang ako gagawa ng isang pitak para sa isang tao na muling bumuhay sa nakatagong ngiti sa puso ko.
Ayokong banggitin ang pangalan niya. Pero kung nahihiwagaan ka kung sino siya, gumawa ako ng isang tula para sa kanya. Kailangan mo lang na i-decode ito ng maingat.
Heto ang tula na pinamagatang “The Girl Who Made Me Smile Again” na aking ginawa habang inaalis ang antok habang nagkaklase noong August 11.
“Since the first day I saw you,
Heaven suddenly opens its doors…
Eversince you arrived in my mixed-up world,
Radiance from the sun explodes in my heart.
Resting sololiquoly from my dark past,
You gave a new color to my world…
Rainbow suddenly appeared on my back,
Over the galxy where the stars shines…
Serenity finally came between you and me…
Everyday is a miracle when we’re together.”
Nahulaan mo na ba kung sino siya?
Hindi ko sasabihin sa ‘yo kung sino siya. Pero ikukuwento ko sa ‘yo kung sino siya.
Nagkakilala kami sa paaralan kung saan ako nagpa-practice teaching. Ewan ko ba pero noong una ko siang makita, may kakaiba nang nangyari sa akin. Nang nagkasalubong ang mga mata namin, parang tumigil ang oras sa pagtakbo. Pakiramdam ko eh nagdudugo ang ilong ko. “Ang ganda niya!” bulong ko sa aking sarili. (Tangina! Kinikilig ako habang nagta-type!)
Alam ko sa sarili ko na tinamaan ako ng husto sa taong ‘yon. Grabe na ‘to!
Inlove kaya ako?
Sa tingin ko naman eh hindi pa… sa mga oras na yon, gusto ko lang siya maging kaibigan. Hanggang doon lang (Sa mga oras na ‘yon, isinilang ang Epiko 36 blog ko.)
Pero bakit ganun? Napakasaya ko kapag kasama ko siya. Kahit anong gawin kong pagtatago sa nararamdaman ko para sa kanya eh pilit itong nagpupumiglas na lumabas. Sabi sa akin ng isang guro (na nakahalata agad sa akin) na dapat huwag kong i-entertain ang aking nararamdaman sa kanya dahil doon nagsisimula ang lahat.
Pero paano ‘yun? Habang pinipilit ko ang sarili ko na pigilin ito eh kusa itong lumalabas.
Badtrip!
Pero sa ngayon, Masaya ako na dumating siya sa buhay ko. Hindi na mahalaga kung sino ang nauna naming minahal sa buhay namin. Hindi ako perpekto at ganun din siya. Kahit anong oras, kaya niyang durugin at saktan ang puso ko. Ang mahalaga, ipinapakita ko na masaya ako kapag kasama siya at ibinibigay ko ang parte ko na alam kong nagpapaligaya sa kanya. Mahalaga ang bawat sandali kapag kasama ko siya. Alam ko na konting araw na lang ang nalalabi sa amin dahil magkakahiwalay na din kami at babalik sa aming normal na buhay. Pero ayos lang ‘yon, Ang importante ang nagtagpo ang mga landas namin at nagbukas ng pnibagong daan na aming tatahakin. Umaasa ako na kahit hindi kami para sa isa’t-isa, magpatuloy pa din an gaming magandang samahan. Masaya na ako doon.
(Background music… “Baby I Love Your Way” ng Big Mountain habang pinagmamasadan ang picture niya sa digicam)
Hay… Sa tingin mo, anong tawag sa aking nararamdaman ngayon?
Subscribe to:
Posts (Atom)