Friday, September 17, 2010
Epiko 43: "Asul Ang Kulay ng Pag-Ibig"
Gumawa ako ng isang tula na gusto kong ibahagi sa inyo. Simple lang ang mga ginamit kong salita dito. Habang nakikinig ng "Rhapsody in Blue" ng DA PUMP (isang kilalang boyband ng Japan), nabuo ko ang tulang may malalim (na parang sumisid ka sa asul na dagat sa Palawan)na kahulugan tungkol sa pag-ibig. Siyempre, may tao sa likod ng mga salitang nagwawala sa puso ko na inilipat ko sa anyong masining.
"Asul Ang Kulay ng Pag-ibig"
"Asul ang kulay ng pag-ibig,
Tulad ng repleksiyon ng langit sa tubig.
Mahirap ikubli ang itinatagong pag-ibig,
Na parang tasang may laman na aksidenteng natabig.
Bughaw man ang kulay ng aking nararamdaman,
Pilit ko itong itinatago nang di niya malaman...
Na ginawa niyang langit ang bawat kaligayahan,
Sa bawat oras na aming pinagsasaluhan.
Lahat na aking nakikita ay kulay asul,
Lalo na kapag nagkikita kami sa school.
Kung minsan gusto kong kumuha ng bato at ipukol...
Sa aking puso na unti-unting bumubukol.
Kulay asul ang aking mundo pag nandyan siya,
Ngunit mas matingkad ito kung siya ay wala.
Kung bakit kasi ito ang kulay ng aking nadarama,
Eh di sana di na ako nahihirapan pa.
Ang katulad niya ay isang asul na rosas,
Na maganda sa mata ang ipinamamalas.
Hindi ko siya maaabot dahil siya ay mataas,
Tulad ng langit na may pangarap na pumapagaspas.
Kung kulay asul talaga ang kulay ng pag-ibig,
Ayoko nang umibig...
Tulad ng dagat na puno ng tubig,
Sana ang nararamdaman ko ay kanyang marinig."
Sana ay iyong maunawaan ang mga salitang ipininta ko. Nakakahinayang lang at hindi niya ito mababasa... kasi hindi siya fan ng THE EMONG CHRONICLES. Pero umaasa ako na balang araw ay mababasa niya ito.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment