Thursday, September 2, 2010

Epiko 41: “Isang Tula ng Pag-Ibig(?)”



September 1, 2010…

Hindi ko alam kung paano ko ikukuwento ang araw na ‘to sa ‘yo. Basta, sa mga oras na ‘to habang nagtitipa ako ng keyboard ay umaapaw ang saya sa aking dibdib. Wala akong mapaglagyan ng tuwa sa mga oras na ‘to. Sa buong panahon ko ng pagsusulat sa blog, ngayon lang ako gagawa ng isang pitak para sa isang tao na muling bumuhay sa nakatagong ngiti sa puso ko.

Ayokong banggitin ang pangalan niya. Pero kung nahihiwagaan ka kung sino siya, gumawa ako ng isang tula para sa kanya. Kailangan mo lang na i-decode ito ng maingat.
Heto ang tula na pinamagatang “The Girl Who Made Me Smile Again” na aking ginawa habang inaalis ang antok habang nagkaklase noong August 11.

“Since the first day I saw you,
Heaven suddenly opens its doors…
Eversince you arrived in my mixed-up world,
Radiance from the sun explodes in my heart.
Resting sololiquoly from my dark past,
You gave a new color to my world…
Rainbow suddenly appeared on my back,
Over the galxy where the stars shines…
Serenity finally came between you and me…
Everyday is a miracle when we’re together.”


Nahulaan mo na ba kung sino siya?

Hindi ko sasabihin sa ‘yo kung sino siya. Pero ikukuwento ko sa ‘yo kung sino siya.
Nagkakilala kami sa paaralan kung saan ako nagpa-practice teaching. Ewan ko ba pero noong una ko siang makita, may kakaiba nang nangyari sa akin. Nang nagkasalubong ang mga mata namin, parang tumigil ang oras sa pagtakbo. Pakiramdam ko eh nagdudugo ang ilong ko. “Ang ganda niya!” bulong ko sa aking sarili. (Tangina! Kinikilig ako habang nagta-type!)

Alam ko sa sarili ko na tinamaan ako ng husto sa taong ‘yon. Grabe na ‘to!

Inlove kaya ako?

Sa tingin ko naman eh hindi pa… sa mga oras na yon, gusto ko lang siya maging kaibigan. Hanggang doon lang (Sa mga oras na ‘yon, isinilang ang Epiko 36 blog ko.)
Pero bakit ganun? Napakasaya ko kapag kasama ko siya. Kahit anong gawin kong pagtatago sa nararamdaman ko para sa kanya eh pilit itong nagpupumiglas na lumabas. Sabi sa akin ng isang guro (na nakahalata agad sa akin) na dapat huwag kong i-entertain ang aking nararamdaman sa kanya dahil doon nagsisimula ang lahat.
Pero paano ‘yun? Habang pinipilit ko ang sarili ko na pigilin ito eh kusa itong lumalabas.

Badtrip!

Pero sa ngayon, Masaya ako na dumating siya sa buhay ko. Hindi na mahalaga kung sino ang nauna naming minahal sa buhay namin. Hindi ako perpekto at ganun din siya. Kahit anong oras, kaya niyang durugin at saktan ang puso ko. Ang mahalaga, ipinapakita ko na masaya ako kapag kasama siya at ibinibigay ko ang parte ko na alam kong nagpapaligaya sa kanya. Mahalaga ang bawat sandali kapag kasama ko siya. Alam ko na konting araw na lang ang nalalabi sa amin dahil magkakahiwalay na din kami at babalik sa aming normal na buhay. Pero ayos lang ‘yon, Ang importante ang nagtagpo ang mga landas namin at nagbukas ng pnibagong daan na aming tatahakin. Umaasa ako na kahit hindi kami para sa isa’t-isa, magpatuloy pa din an gaming magandang samahan. Masaya na ako doon.

(Background music… “Baby I Love Your Way” ng Big Mountain habang pinagmamasadan ang picture niya sa digicam)

Hay… Sa tingin mo, anong tawag sa aking nararamdaman ngayon?

No comments:

Post a Comment