Tuesday, September 21, 2010

Epiko 44: "Isang Sulat (Para sa Kanya)"



Sherry,

Yo!

For almost 3 months (estimated ko lang) I’m so happy and blessed to meet a person like you. Sayang lang at saglit lang tayo nagkasama. Pero kahit na sa maiksing panahon na ‘yon, malaki ang ginawa mong pagbabago sa akin.

I would like take this opportunity to thank you for all the things you’ve done to me during my practice teaching. To tell you honestly, I arrived in that place torned out and pressured with all the things that happened to me four months ago (at kung ikukwento ko sa ‘yo eh kulang ang isang araw). Wala naman talaga akong kaibigan na maituturing and this is my first time na magkaroon ako ng isang taong tulad mo na frantically, nakasundo ko kaagad. Kahit nga ako eh hindi ko din alam na makakasundo mo ako (nga ba?) with that short span of time.

Basta alagaan mo ang sarili mo dahil sakitin ka (ironically, ako nga dapat ang nasa kalagayan mo because of ny vices and bad habits.). Hindi ko naman hinihiling sa ‘yo na palagi kang nandyan kapag kailangan kita. Masaya na ako dahil nag-krus ang mga daan natin. Hindi ko din alam kung magkikita pa ba uli tayo o kaya naman mag-krus uli ang mga daan natin. For me, the important thing you’ve done to me is you bring back the smile in my face again. It’s been so long na nakangiti ako ng ganito. Believe it or not, hindi ko makakalimutan (or should I say “hindi ko kakalimutan”) ang mga panahon na nakasama kita. Too bad na saglit lang talaga. How I wish na sana ma-extend pa tayo pero may kanya-kanya tayong path na pupuntahan after our internship.

Alam mo, malungkot ako na di na kita makikita araw-araw. But I’m still thankful kasi may bagong daan na nabuksan at isa ka sa mga taong nakita ko sa daan na ‘yun. Akala ko, stagnant at walang progress ang nangyari sa akin sa West pero nang dahil sa ‘yo, may na-realize ako behind your “Heh!”, “Sasapakin kita!” and “Tinatamad na ako” lines – na dapat akong magpatuloy sa agos ng buhay at maging masaya sa bawat hirap at pagsubok na dumadating sa buhay. Nawalan man ako ng isang napakahalagang kaibigan four months ago, natagpuan naman kita and I guess my reason si God kung bakit kita nakilala. Kung anuman ‘yun, hindi ko pa din alam.

Sana hindi mawala ang nabuong friendship natin. Sana after natin umalis at magkanya-kanya, nadun pa din ‘yung the same humor and funny gestures na ginagawa natin at hindi mo ako makalimutan. I think I consider you as a friend na pinagkakautangan ko ng malaking bagay – ibinalik mo sa akin ang totoong Julius na matagal nang nawala sa akin. Though awkward it may seems, you became a big part of my unforgettable chapter in my life. Sana di mo ako makalimutan and if ever na kailangan mo ang tulong ko (kahit ano… huwag lang pera kasi wala pa akong trabaho eh.), I will not hesitate to help you. Isang text lang ako at agad akong pupunta kung nasaan ka para tulungan o damayan kita.

There’s a saying that ”Friendship is like wine; it gets better as it grows older.” Sana sa paglipas ng panahon, hindi mo ako makalimutan na naging parte ako ng buhay estudyante-guro mo. Sana hindi din maputol ang pagkakaibigan natin… kahit magkaiba man tayo ng paniniwala, kahit na magkaiba man pangarap natin sa buhay at kahit magkaiba man ang mundo na ating ginagalawan, I’ll assure you that I’m always here for you as a good and true friend. Mami-miss kita ng bonggang-bongga!

Hanggang dito na lang siguro muna ako… Basta nandito lang ako if you need a helping hand, an adviser, a clown, a brother or a shoulder to cry on…

Goodluck!

No comments:

Post a Comment