Wednesday, June 2, 2010

Epiko 29: "The Good Thing Having A Tubercolosis (2007)"



"PAANO NANGYARI NA NAGKA-TB AKO?" That’s the first thing I ask to the doctor when me and Myda went to the hospital because of my 2 weeks fever. I’m in total shock and everything is just a world upon my shoulders. At first, I did’nt believe it not until the apicolordotic view of my x-ray shows some densities on the right apex on my right lung. It was september 11 and it’s the anniversary of the World Trade Center Terrorist Attack in NYC. Like the twin towers, my world falls apart.

"KAILANGAN MAGING MAAYOS ANG LAHAT. PERO PAANO? SAAN AKO MAGSISIMULA?" Ang totoo niyan eh kailangan kong mag-stop sa pagtatrabaho at magpagaling. Nagulat nga ako nang sabihin ng doktor na 6 months ang medication. Ang tagal nun! Ano naman ang gagawin ko sa napakahabang panahon na ‘yun? Bumalik ako sa doktor at tinanong ang mga dapat gawin at gamot na dapat inumin. Duda ako na nakuha ko ang sakit na ito kung kanino. Kasi ‘yung nature ng trabaho ko sa EPZA eh mukhang may kinalaman kung ano ako ngayon.

OCTOBER 23 last year is the new beginning of my journey. The medicine sucks and I can’t stand the taste of it! It’s so awful! The first thing i must do is to quit smoking. Although it’s very hard to do, I must do it in to survive! The first week is a mess. There was a time that i have almost to forgot to take the medicine one hour before breakfast. good thing Myda is always on my side reminding me. I must pass the intensive phase of my medication (isoniazid, rifampicin, ethambutol and pyrazinamide one hour before breakfast).

BADTRIP TALAGA! Sa loob ng isang buwan, wala akong ginawa kundi mahiga, manood ng t.v. at matulog. Kaya gumawa ako ng paraan para may magawa ako. Sabi ng doktor, dapat sariwa ang hangin kaya sa farm ng tatay ko ako nagtigil. Pero alam niyo, di ko inasahan na magiging close kami ng tatay ko. Medyo malayo ang loob ko sa kanya nung maliit pa ako pero ngayon, nasasabihan ko na siya ng problema at nararamdaman ko. Nalanam ko na nagka-tb siya noong binata. Akala ko nga, wala nang pag-asa na magkalapit kami, mali ako. Kaya siguro binigay ng Diyos ang sakit na ito ay para maayos ang di pagkakaunawaan naming dalawa. Masaya ako doon! Nawili din ako bukod sa malinis ang hangin, nagtanim din ako ng orchids. Noong una parang korny kasi pang-babae lang ‘yun. Pero maganda na ‘pag namulaklak na. Naisip ko na para palang halaman ang tao - hindi mo alam ang mangyayari kung hindi mo pa nakikita ang pinakamagandang parte ng buhay.

AFTER 2 MONTHS, nagkaroon ako ng series of examination sa sputum. Negative na ang result at ang pananakit ng likod ko eh nawala na. Sabi ng doktor, gumagaling na ako. Dati 63.5 kg ako bago magsimula ng gamot, ngayon 74 kg na ako! Problema ko na tuloy kung paano babalik ang dati kong timbang. Para na akong elepante! Maintenance phase na daw ang gagawin ko. Binawasan niya ang gamot ko. Inalis niya ang pyrazinamide. 2 months later, inalis na yung ethambutol. Mas madali na ang pag-inom ng gamot.

NAGING POSITIVE ang outcome nito sa akin. Masaya ako dahil may suporta ako na nakukuha sa mga tao na mahalaga sa akin. Nagsimula ako na magsulat ng bagong novel na inspired sa ginagawa kong paggagamot sa sarili. Mas naging pursigido ako at naging mas matatag. Naisip ko na lahat ng bagay ay may solusyon at may mga sakit na kayang labanan basta magpagaling ka lang. Ngayon ko lang naisip na iilan lang talaga ang mga taong nag-aalala sa aking karamdaman. Siyempre, di mawawala ang mga tao na nadidiri sa akin na baka daw sila mahawa. Eh ano ngayon? Ako nga eh nag-iingat tapos tinamaan ng sakit na ito. May mga pagkakataon na hindi mo inaasahan na pwedeng mangyari at magpabago sa pananaw mo sa buhay. Kailangan mong magpahalaga sa kahit maliit na bagay na naibibigay sa atin. Nawala na ang mga bisyo ko. Marahil binigyan ako ng tb para baguhin ang lifestyle ko. Di na nga ako nakakatikim ng alak at yosi. Lagi kasing prutas ang kinakain ko.

NOW I UNDERSTAND WHY TUBERCOLOSIS INVADE MY BODY.. It taught me how life can be meaningful ang happier than anyone least expect. Ginamit Niya ang sakit para ituro sa akin ang dapat gawin. April 23 pa ang tapos ng paggagamot ko. Ang di ko makakalimutan ang panahon na ito. Alagaan natin ang ating sarili. Spending more time with my familiy make me feel good too. Don’t abuse what God gave us. Bukod sa nakapahinga ako ng matagal ay nakapagmuni-muni din ako kung ano ang dapat gawin. Maging handa sa mga oras na hindi mo inaasahan at maging matatag sa pagsubok na haharapin mo sa kinabukasan…. Iba na ang pananaw ko sa buhay at ito ang maghahatid sa akin sa tagumpay na walang sinuman ang nakakaalam kung kelan mangyayari.

No comments:

Post a Comment