Tuesday, May 4, 2010

Epiko 14: “Ang Sakit ng Lenggwaheng Pinoy”



Kapag nagbubukas ako ng account sa Facebook at Friendster (Rest In Peace), hindi ko maiwasang mabasa ang mga salitang nakasulat sa bawat comment at “What’s on your mind” portion tulad nito:

“3owh Foh! H@vA NaIZs D3i 2 oHL!!!! JeJeJehhZ”

At heto pa:

ZowwiE Ng@ Plah KnInInaH… GTG Mwuaaahh! Ajejejejehhh! LOLZ!

Sabi nga ng nanay ko habang binabasa ang mga ito. “Namputa! Kayo lang ang nakakaintindi ng salita niyo! Anak, Anong basa mo dyan?”

“Hello po! Have a nice day to all! He! He! he!”

“Sorry nga pala kanina. Got to go! Mwahh! Ah! He! He! He! He! Laughing out loud.” wika ko.

“Bakit mo naintindihan? Bakit ako hindi?” pagtataka ni nanay na pilit inaaral ang mga nakasulat sa monitor.

‘Yan ang uso ngayon… Jejemon!” sagot ko sa kanya.

‘Ano ba ‘yan! Bakit pa kasi nauso ‘yan! Ang dami nang apektado!” sabay walkout ni nanay at pumunta sa labas.

Napaisip tuloy ako. Paano ko nga pala ito naintindihan?

Dati noong nag-aaral pa ako ng medisina, mga halaman, hayop at tao lang ang alam ko na nagkakasakit. Akala ko kapag umalis na ako sa field na ‘yon ay hindi na ako makakaharap ng mga nagkakasakit o kailangan ng case study o medical report.

Nagkamali ako.

Sa sitwasyong ito, matindi ang sakit na kumakalat ngayon – ang JEJEMON scare.

Ano ba ito?

Ayon sa website ng Urban Dictionary (www.urbandictionary.com), ang salitang JEJEMON iay malimit na nakikita sa mga social networking sites. Sila ang mga taong may mababang IQ at ikinakalat ang kanilang kamangmangan sa pagtitipa at pagsusulat 2laD Ni2 @ E2w @ MdAmI Pngh Ib@. JeJeJeJeh! LoLZ (tulad nito at eto at madami pang iba. He! He! He! He! (hagalpak)… para sa hindi makaintindi) na kung minsan ay mapapataas ka ng kilay at maiirita sa pagbabasa.

Sinasabi din na ito ay evolved SMS (o text message). Nilalaman nito ang pahalili-haliling capital letters at small letters na may kasamang numero, characters, at punctuation marks na hindi nakasunod sa tamang grammar rules. Gumagamit din ito ng substitusyon ng mga leta tulad ng letrang “A” na nagiging “@” o letrang “E” na pinapalitan ng numerong “3”

Nakakalarma ito dahil patuloy itong kumakalat at may malaking implikasyon ito sa edukasyon at lenggwahe n gating bansa.

Ano ba ang senyales ng mga JEJEMONS?

Una, nahihirapan silang iparamdam ang kanilang nararamdaman sa salitang Ingles (na kung minsan ay may halong wikang Filipino) tulad ng mga average person

Pangalawa, mahina sila sila sa lenggwahe. Siguro ay hirap sila sa punctuations, grammar at spelling. Sila ‘yung nagsasabing “I hate English” o “Ayoko talaga ng subject na Filipino”

At pangatlo, mahilig silang magdagdag ng mga sobrang letra, numero at signs sa kanilang pangalan o alyas (i.e. Anna nagiging Hannah, Jones na nagiging Jonetzky).

Ano ang epekto nito?

Una, apektado ang kalidad ng edukasyon sa bansa pagdating sa pagtuturo ng lenggwahe. Sa aking Language Research na ginawa noong nakaraang semestre, nagkakaroon ng mabilis na pagbaba ng ‘language proficiency” ang isang mag-aaral kung palagi siyang nakaharap at nag-uubos ng oras sa mga social networking sites. Ito ay dahil “exposed’ sila sa mga Jejemons na hindi nila namamalayan ang unti-unting epekto nito sa kanilang lenggwahe. Tuloy, pati ang kanilang “academic performance” pagdating sa pagsusulat, pagbabasa, pakikinig at pagsasalita ay apektado nito. Dahil dito, patuloy ang pagdausdos pababa ng kalidad ng ating edukasyon.

Pangalawa, nagkakaroon tayo ng “malignant language” ibig sabihin, unti-unting nasisira hindi lang ang ating lenggwahe pati na din ang kultura natin bilang Pilipino. Para itong virus na sinisira paunti-unti ang ating lenggwahe. Dahil ditto, nag-iiba ang pagtingin ng ibang bansa sa atin. Ang mga Intsik at Koreano nga eh nauuma kapag nakakabasa nito. Nagtanong nga sila minsan na kung may course ba na Bachelor of Arts in Jejetyping. Kasi pakiramdam nila na nagiging mababa na ang tingin nila sa atin pagdating sa lenggwahe.

At pangatlo, Nawawala ang esensiya ng pagiging magalang at pormal sa ibang nasyon. Kaya huwag tayong magtaka kung isang araw eh parang alien na tayo kung magsulat at magbasa. Alam natin na nagbabago ang lenggwahe kasabay ng modernisasyon at teknolohiya. Ngunit ang ginagawa ng mga Jejemons ay inililihis tayo sa tamang daan papunta sa kamangmangan at kahihiyan. Sa aking palagay, walang ibang dapat sisihin ditto kundi an gating mga sarili. Sa oras kasi na matuto tayo ng isang bagay, ito ay ating ia-apply dahil may kasabihan nga tayo na “you learn by doing it”.

Pero kahit alam mo na kung paano ito gamitin, maging responsible ka pa din kung gagamitin mo ito sa tama o mali. Tulad ng maimbento ang atomic bomb – alam nng mga gumagawa nito ang mga sangkap at pamamaraan ngunit iot ay hindi nila ginagamait basta-basta dahil malaki ang perwisyo nito sa daigdig.

Ang atomic bomb at mga Jejemon ay hindi nalalyo sa isa’t-isa. Pareho silang nakakasira at nakakaapekto ng malaki sa tao sa iba’t-ibang aspeto.

Siguro marahil pagod ka ng magbasa. Pero sana maisip mo na hindi kakalat ang Jejemon fever kung hindi ka din gagawa at ia-aaply ito sa pang-araw-araw na pamumuhay. Simulan mo ito sa iyong sarili. Matuto kang magsipag sa pag-aaral ng mga bagay-bagay na kailangan mo sa pag-unlad, iwasan mong gamitin ito sa internet o kahit sa paaralan. Wala akong nakikitang masama kung gagawin mo ito.

Maging reponsable ka sana sa pagmamahal mo sa iyong lenggwahe. Nang hindi magalit sa ‘yo si Jose Rizal at sabihan ka na “higit ka pa sa bulok at mabahong amoy ng isda.”

1 comment: