Sunday, May 2, 2010
Epiko 11: “Kahit Isigaw Mo na Mainit, Hindi Lalamig!”
Hindi malaman kung anong klaseng klima mayroon tayo ngayon. Ang epekto nito ay talagang pandaigdigan. Ngayon ay masasbi ko na nararamdaman na natin ang tinatawag nilang “climate change.”
Naaalala ko noong bata pa ako na kahit alas dose na ng tanghali ay hindi mo pa din ramdam ang init lalo na kapag summer season. Nangunguha pa nga kami ng kuliglig at umaakyat sa mga puno tulad ng mangga at lansones para kumuha ng bunga. Pagsapit ng gabi, medyo malamig pa ang simoy ng hamgin dahil sa mga puno sa paligid.
Pero ngayon, wala na sa panahon kung mamunga ang mga puno, nawala na ang mga kuliglig, kahit may mga puno pa sa amin ay mainit pa din at ang init ng araw tuwing tanghali ay tila impyernong sumusunog sa ‘yo.
Ang epekto nito: Wala ng makain ang mga alagang hayop ni Ama dahil tuyo na ang damo; palaging high blood ang nanay ko; tumaas ang singil sa kuryente dahil sa madalas na paggamit ng mga pampalamig na appliances (aircon, ref, e-fan, atbp); maraming sakit sa balat ang nauuso; palaging puno ang mga resort at beach; laging matao sa mga mall kasi malamig; namamatayan ng mga alagang isda ang mga mangingisda; tumataas na ang sea level dahil sa mga natutunaw na ice caps sa North at South Pole; may malakas na tendency ng super typhoon a dumating sa bansa… at ang di ko nasabi ay ikaw na ang magdagdag.
Saan mo gustong humantong ang lahat ng ito?
Sino ang dapat sisihin?
Ano ang dapat gawin?
Paano na?
Mga simpleng tanong na walang konkretong sagot.
Sa kasalukuyan, hindi na natin mapipigilan ang pagbabago ng klima. Parang ganito lang ang paliwanang diyan:
Noong prehistoric times, alam naman natin na nabuhay ang mga dinosaur at iba pang hayop na kasama nila. Nang dahil nagbago ang temperature at klima sa mundo, unti-unti silang nawala. Pero ang iba ay nag-evolve at natutong mamuhay sa patuloy na pagbabago ng klima. Bilang tao, sa tigin ko aman ay hindi tayo matutulad sa nangyari sa mga dinosaur pero ang dapat na lang nating gawin ay umayon sa klima na ating nararanasan. Patuloy ang pagbabago nito. Walang dapat sisihin sa ganitong pangyayari dahil ito ay proseso ng daigdig na di kayang pigilan ng tao.
“May panahon pa ba?” ito ang palaging sinasabi ng ilan. Syempre may panahon. Ang problema, ano na ang lagay ng panahon natin? Papaano na ang susunod na henerasyon? Kakayanin ba nila ang nararanasan natin.
Ipinapakita na sa atin sa TV, radio at internet kung ano ang mga posibilidad na mangyari sa atin at sa mundo kung hindi mapipigilan nag climate change. Sa tingin ko ay hindi ko na ito ipaliliwanag pa ng detalyado kasi matalino ka naman.
Ang punto ko, kahit isigaw mo na mainit ay hindi lalamig. Ibig sabihin, kung wala kang gagawin na aksiyon ay walang mangyayaring solusyon sa problema sa ating kapaligiran. Simulan mo sa ‘yo ang pagbabago at ibahagi ito ng may sinseridad sa iba nang sa ganun ay dumami tayo na. Alam naman natin ang dapat gawin pagdating sa basura, kalikasan at kalusugan… Kung hindi pa, dapat ay maging mapanuri at mapagmatyag ka sa paligid mo. Kunin ang tamang impormasyon at ibahagi ito sa lahat nang sa ganun ay nakatulang ka hindi lang sa ibang tao kundi sa buong mundo.
Isa lang ang mundo natin… Dapat nating gawin ang ating papel upang maging maayos ang lahat.
Nasa sa iyo ang kasagutan sa tanong na ibinigay ko.
Paalala lang ito sa ‘yo kung ayaw mong magsisisi sa banding huli.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Alam mo ba na dito sa US isa sa malalaking isyu ang "climate change" na dati ay tinawag na "global warming"?
ReplyDeleteBasahin mo ang website na ito:
http://www.wnho.net/global_warming.htm
Naalala ko tuloy yung mag-ina na nakasakay ko sa jeep noon. Pagkatapos kumain nung bata ng tsitsirya, tinapon na lang niya ito sa bintana ng jeep. Aba!Nasorpresa talaga ako nung hindi man lang siya sinaway ng nanay niya!Isipin na lang natin kung ilang Pilipino ang gumagawa nun araw-araw, naku po! Maski balat lang ng kendi hindi pa magawang bitbitin? Gaano ba kahirap yun?
ReplyDelete