Sunday, May 2, 2010
Epiko 9: “Ang Nakatagong Damdamin sa Kantang “F.Y.B.” ng P.O.T.”
Taong 1998 nang una kong napanood at napakinggan ang bandang P.O.T. sa MTV. Medyo may katagalan na ito ngunit ang tunog at tono ng kanta nila ay masasabi mong may pagka-immortal dahil hanggang ngayon kapag napapakinggan mo ay hindi ito nawawala at nalalayo sa musika sa kasalukuyan. Idagdag mo pa ang showmanship ng banda sa pangunguna ni Karl Roy (na kapatid ni Kevin Roy ng Razorback) ay talagang mabubuhayan ka ng dugo kapag nag-perform sila. Napakaraming kabataan at banda mula sa henerasyon ng dekada nobenta ang naimpluwensiyahan ng kanilang musika.
Ngunit noong una ay parang simpleng banda lang sila… na gusto lang tumugtog at magsaya. Lumipas ang mahigit labing-isang taon ay may isang awitin mula sa kanila ang pumukaw at gumising sa aking kamalayan bilang tao – ang kantang “F.Y.B.” (For You Baby/Fuck You Bitch).
Siguro sa henereasyon ngayon madaling intindihin ang mensahe ng awiting ito - Isang awitin tungkol sa isang babae na iniwan ang isang lalaki dahil ipinagpalit nya ito sa iba.
Superficial ang mensahe at marami ang nakaka-relate (tulad ko). Pero higit pa ang mensahe ng awitin na ito patungkol sa pusong duguan. Balikan natin at pag-aralan ang mga letra sa linya ng awiting ito.
“Didn’t I tell you that I love you?
Didn’t I say I’ll give you everything?
Now you tell me that you’re leaving,
And I don’t understand a single thing…
I thought we’ll be together until the end of time.
We’ve break the stormy weather but then you cut the line.”
Sa unang tingin, nagtatanong ang taong nasaktan sa mga dahilan kung bakit iniwan siya ng taong mahal niya. Madali lang hindi ba? Pero may sikreto sa loob ng liriko nito…
Maari natin itong ipatungkol sa ating sarili mismo. Ang tao ay punong-puno ng katanungan sa kanyang sarili (sa sobrang dami, mahirap mag-enumerate). Minsan bumibilib tayo sa ating sarili na nagiging sanhi ng ating kayabangan. Dahil dito, nagkakaroon tayo ng kapabayaan sa ating sarili. At kapag nagkaroon tayo ng kabiguan, tinatanong natin sa ating sarili kung ano ang dahilan ng ating kasawian. Halimbawa, kapag nag-aaral tayo, alam nating kaya natin ang isang subject pero sa sobrang kampante ay nagsasawalang-bahala tayo. Kaya kapag bumagsak, hindi natin ito matanggap.
Naguguluhan ka pa ba o hindi mo makuha? Idagdag natin ang susunod na linya:
“Then I realize that someone else aside from me.
Now you said “You have to go” but I don’t care anymore!”
Kapag nakita na natin ang rason sa isang bagay, hindi natin maiiwasan na tanggapin ang katotohanan at sumabay sa agos ng buhay. Mahirap at masakit sa una pero kung tatanggapin natin ito ng bukal sa kalooban, mapapalaya tayo nito sa kalungkutan. Isang halimbawa ay kung namatayan ka ng isang kaanak o kaibigan. Kung alam mo ang dahilan ng kanyang pagkawala, dapat mo itong tanggapin dahil matatahimik na ang kanyang kaluluwa. Kadugtong ito ng susunod na linya:
“Everyday is the same with me…
No more pain and misery.
Didn’t like the love you see,
This is how it’s got to be…”
Kapag nagkamali ang isang tao, hangga’t maari ay ayaw na niya itong maulit muli kaya nagiging maingat siya sa mga susunod na hakbang na kanyang gagawin lalo na pagdating sa trabaho, pakikipag-kapwa tao at pagsubok sa isang bagay. Nakatatak na sa kanyang isip ang kanyang pagkakamali dati at ito ang magsisilbing sandata niya sa mga sitasyon na maaari siyang magkamali muli. Tulad ng linyang ito:
“Now this would be the last goodbye, no need to wonder why.
No you won’t have a second chance and no more final dance…
There is no need to justify decisions. I decide!
No you won’t have a second chance and no more final dance…”
Sa buhay natin, ang pagtanggap sa katotohanan at magkaroon ng dahilan para ipagpatuloy ang buhay ay kailangan upang masukat ang ating determinasyon at katatagan bilang tao. Sa tamang pagpili, planadong paghakbang at malinis na puso sa bawat nais natin ang magtuturo sa atin sa tamang daan.
Lahat ito ay nakukuha lamang natin sa tamang pagdedesisiyon.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment